May mataas na tsansa na maging tropical depression sa loob ng 24 oras ang Low Pressure Area (LPA 06d) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Bandang 8:00 a.m., namataan ang LPA 390 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Sa Martes, inaasahan ang malalakas na pag-ulan sa Sorsogon, Albay, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Romblon dahil sa LPA.
Babala ng PAGASA, maaaring mas malakas ang ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar. Pinayuhan ang publiko at mga lokal na disaster response office na magsagawa ng kinakailangang paghahanda upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.
===
Trending
- Gilas coach Cone nananalig sa All-Filipino crew
- Faney, nag-propose kay Alex Eala
- Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent
- Elijah, kinumpirma ang hiwalayan kay Miles, todo denay na cheater
- Dennis nangalampag
- 5 bayan sa Bulacan, lubog pa rin
- Habambuhay-kulong : Hatol sa drug offender
- Murder suspect nalambat sa Navotas
