Magdadala ng pag-ulan ang isang low pressure area (LPA) at ang habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Martes, Agosto 4, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang LOA malapit sa Baggao, Cagayan at hindi inaasahang maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Ngunit magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Samantala, maaapektuhan din ng habagat ang Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Antique, Iloilo, at Guimaras.
Nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.
Binabantayan din ng state weather ang Typhoon Dolphin, na nananatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility at hindi inaasahang papasok sa bansa sa loob ng susunod na 24 oras.

Share.
Exit mobile version