Sa halip na patuloy na makisangkot sa naging sigalot nila ng kapatid na si Ian de Leon, pinili ni Lotlot de Leon na ipaubaya na lamang sa Diyos ang kontrobersiyang kinasangkutan nila tungkol sa mana.

Sa panayam niya kay Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ng aktres na ayaw na niyang pangunahan kung paano maaayos ang kanilang problema at mas nais niyang ituon ang atensyon sa sariling pamilya at trabaho.

“Pinapasa-Diyos ko na lang po, Tito Boy. I mean in God’s time. I-surrender na lang. I don’t want to… ayokong pangunahan ang Panginoon.”

Dagdag pa niya, “Basta ako, I’m focusing on my own life. Sa mga anak ko, sa asawa ko, sa trabaho ko. Sa mga kapatid ko naman, ‘pag kailangan nila ako, nandiyan lang din ako.”

Aminado rin si Lotlot na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Ian.

Gayunman, wala siyang masamang hangad para sa kapatid at umaasa siyang magiging maayos ang anumang plano nito sa buhay.

“Hindi pa kami nagkakausap, eh. But you know, whatever his plans are, I wish him well. I wish him well. I wish him to succeed, I wish him all the best,” pahayag niya.

Sa kabila ng isyu, nananatili umanong bukas si Lotlot para sa kanyang mga kapatid kung sakaling kailanganin siya ng mga ito.
====

Share.
Exit mobile version