Hindi lang sa Pilipinas at Hollywood napansin ang aktres na si Liza Soberano—pati kasi sa Japan ay pinag-uusapan na rin ang kanyang career at ganda matapos siyang itampok ng isang Japanese online media outlet.
Sa ulat ng 8and Media, ibinida ang journey ni Liza mula sa pagiging top actress sa Pilipinas hanggang sa pagpasok niya sa international scene.
Binanggit din ang pagpirma niya sa United Talent Agency noong 2023 na nagsilbing tulay sa kanyang Hollywood career.
Tampok din sa feature ang kanyang Hollywood debut sa pelikulang Lisa Frankenstein noong 2024, na nakatanggap umano ng papuri mula sa critics.
Sinundan pa ito ng kanyang paglabas sa iba’t ibang independent films sa US at pagdalo sa international film festivals, na lalong nagpalawak ng kanyang global presence.
Hindi rin nagpahuli ang Japanese fans na agad nagpahayag ng paghanga kay Liza, lalo na sa kanyang natural na ganda at charisma.
Marami sa kanila ang nagkomento ng positibo sa feature, na nagpapakitang unti-unti na rin siyang nakakakuha ng solid following sa Japan.
Dagdag pa sa lumalakas niyang international appeal ang koneksyon niya sa US-based Japanese music producer na si herOism, na sinasabing katuwang niya sa kanyang album.
Dahil dito, lalong tumitibay ang posibilidad na mas makilala pa si Liza sa Japanese market, habang tuloy-tuloy ang kanyang pag-angat bilang isang global Pinay star.

Share.
Exit mobile version