Diyosang-diyosa talaga ang peg ni Liza Soberano.
Hayun lang naman ang aktres at gumawa ng unkaboggable na eksena sa NBA games.
Kahanga-hanga nga naman kasi ang stunning beauty ni Liza nang bumulaga sa laro ng Lakers vs Pelicans sa Crypto Arena sa Los Angeles, California.
Her photos taken there graced the social media.
Makikitang napaka-radiant ng beauty ni Liza while seated and simply wearing a leather jacket and white pants.
At least three shots were taken of Liza mula sa iba’t ibang anggulo.
llan lang ang mga ito sa comments ng netizens: “Liza’s face never disappoints. She looks so fresh, dainty and elegant. Miss you, GANDA!”
“Grabe, sobrang ganda niya. Parang lalong mas bumata!”
“Simple yet so pretty and classy.”
Binalaan nga lang si Liza to stay away from rich managers.
“She needs to be careful with those rich managers,” warning kay Liza.

Share.