Ipatutupad ang liquor ban sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Executive Order No. 24, Series of 2026 na nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ipatutupad ang pagbabawal mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-6 ng gabi sa naturang araw.
Ayon sa naturang kautusan, maaaring maapektuhan ang mga residente at bisita ng Quezon City ng mga kilos na dulot ng pagkalasing, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad at ng publiko.
Idaraos ang ikalimang SONA ni Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Nauna na ring inanunsyo ng lungsod ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa parehong araw.
====

Share.
Exit mobile version