Binilinan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health na tiyaking maipatupad ang zero balance billing para sa lahat ng pasyenteng naospital sa mga government hospital mula sa epekto ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayaw ng Pangulo na mag-alala pa ang mga biktima ng lindol sa kanilang bayarin sa pagpapagamot habang sila ay dumaranas ng krisis sa kanilang buhay.
Matatandaang dumalaw ang Pangulo noong Huwebes sa General Santos City at personal na tiningnan ang kondisyon ng mga pasyenteng naka-confine sa mga pagamutan ng gobyerno na napinsala ng lindol.
Ipinag-utos ng Presidente ang whole-of-government approach sa pagtugon sa epekto ng lindol at binigyang-diin na iprayoridad ang kalusugan, kaligtasan at rehabilitasyon ng mga biktima ng naganap na 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ang zero balance billing ay epektibo lamang sa mga pampublikong hospital na pinapatakbo ng gobyerno at hindi kasama ang mga pribadong ospital.

Share.
Exit mobile version