Niyanig ng malakas na magnitude 7.8 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kumitil   na nang higit 30 katao   katao at nakasugat ng hindi pa mabilang na mga biktima , batay sa paunang ulat.

Nagdulot ito ng matinding takot at agarang paglikas ng mga estudyante, empleyado, at mamimili mula sa mga paaralan, tanggapan, at mga mall sa lungsod nitong Lunes ng umaga, Hunyo 8 kung saan  ilang gusali ang  gumuho at nawasak.
Sa ulat ng Police Regional Office 12 (PRO 12) nitong 10:50 ng umaga ng Lunes,naunang iniulat na  pawang mga sibilyan ang walong nasawi at apat na sugatan.
Sa latest update ng PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang lindol na yumanig sa naturang lugar. Kung saan mayroon itong lalim na 33 kilometro.
Agad na nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas at pansamantalang paghinto ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno upang mabigyang-daan ang inspeksyon sa mga gusali at iba pang mahahalagang imprastraktura.
Samantala, nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng tsunami na tatama kasunod ng magnitude 7.8 na lindol.

Inirekomenda ang agarang paglikas ng mga residente patungo sa mataas na lugar sa mga probinsya ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato.
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang lahat ng ahensya ng gobyerno na kumilos nang mabilis bilang tugon sa malakas na lindol na tumama sa Mindanao.

Share.