Nakapagtala ang San Lazaro Hospital sa Maynila ng kabuuang 22 pagkamatay dahil sa leptospirosis, batay sa pinakahuling datos noong Setyembre 7.
Noong Biyernes, apat ang bagong pasyenteng na-admit dahil sa leptospirosis, at umabot na sa 591 ang kabuuang bilang ng mga na-admit.
Sa 22 nasawi, 72.7 porsiyento ay may kaugnayan sa pulmonary hemorrhage o pagdurugo sa baga.
Napag-alaman na ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa leptospirosis ay pagdurugo sa baga.
Sinasabi ng mga eksperto na kadalasang tumataas ang bilang ng namamatay sa unang dalawang araw ng pagkaka-admit, dahil karamihan sa mga pasyente ay nasa malubhang kalagayan na bago pa man mailipat sa San Lazaro mula sa ibang ospital o malalayong lugar.
Nagpaalala ang SLH sa publiko na umiwas sa paglusong sa baha, hugasan ng sabon at malinis na tubig ang bahagi ng katawan na nababad sa baha, panatilihing malinis ang paligid at walang daga, uminom ng malinis na tubig, kumain ng lutong pagkain, at agad kumonsulta sa doktor kapag may sintomas.
Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang Agosto 29, may 6,253 kaso ng leptospirosis na naitala sa bansa, at inaasahang tataas pa ang bilang sa loob ng dalawang linggo matapos ang pagbaha noong Agosto 29–30.
Ang leptospirosis ay sakit na dulot ng bakterya leptospira, na nakukuha sa direktang pagdikit sa ihi ng mga hayop gaya ng daga at baboy, o sa kapaligirang kontaminado ng ihi, gaya ng tubig-baha.
Trending
- Cebu City host ng PVL Spikers’ Turf Season 10 opening
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- ANAK PINATAY SA SAKSAK ANG AMA
- NBI hihirit sa DOJ
- DI PINAUTANG; COED, PINATAY SA SAKAL, SUSPEK
