Inihanda na ng legal team ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang reklamong isasampa laban sa mga ahente ng National Bureau of Investigation na umano’y humarang sa senador sa Senado noong Lunes, ayon kay abogado Israelito Torreon.
Gayunman, sinabi ni Torreon na si Dela Rosa pa rin ang magdedesisyon kung itutuloy ang pagsasampa ng kaso.
“Kanina kasing hapon, parang nakasabi siya (Dela Rosa) na trabaho naman nila yun, hindi nila sisihin yun, so wala lang din kaming ginawa except to prepare a complaint, it’s up to him kung itutuloy niya yon,” ani Torreon.
Umaasa rin ang kampo ni Dela Rosa na maglalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court of the Philippines upang mapigilan ang pag-aresto at posibleng pagdala sa senador sa ibang bansa kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC).
“We pray that a temporary restraining order will be issued such that he will not be arrested or extraordinarily rendered to a foreign country without passing through our local justice system,” dagdag ng abogado.
Iginiit din niya na handang harapin ni Dela Rosa ang anumang kaso basta ito ay isampa sa Pilipinas.
“Kung mayroon siyang kasalanan, file-an siya rito [sa Pilipinas]and we will face them,” aniya.
Binasura rin ni Torreon ang resolusyon ng limang senador na nananawagang sumuko si Dela Rosa.
“They are only 5 out of 24, minority po sila. I don’t think it can pass Senate approval,” sabi niya.
Nanatili si Dela Rosa sa ilalim ng protective custody ng Senado mula pa noong Lunes.
Samantala, nasa 50 supporters ng senador ang nanatili sa labas ng Senado magdamag upang ipakita ang suporta sa kanya sa kabila ng pag-ulan.
Ayon kay dating PDP-Laban official Astravel Pimentel-Naik, nais nilang matiyak na wala nang Pilipinong “makidnap” ng mga dayuhan.
Nakibahagi rin sa pagtitipon ang vlogger na si Jack Argota na kinuwestiyon ang bisa ng ICC warrant.
Samantala, sinabi ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga na nasa “good mood” at “very high spirit” si Dela Rosa nang dalawin niya ito sa Senado.
Trending
- LeBron, Lakers dinispatsa ng Thunder
- Nationwide drive kontra-lunod pinalakas ng PSC
- Erik Santos todo suporta sa pagka-ina ni Angeline Quinto
- Winwyn, role model bilang Reyna Elena
- Alex, pinagdarasal ng friends na buntis na
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Lahat ng legal remedies, gagawin ng kampo ni Sen. Bato
- Peter Haynes bagong abogado ni ex-Pres. Duterte sa ICC
