SINASABING nahulog umano mula sa ikaapat na palapag ng isang condominium building kung saan nasawi ang 24-anyos na law student sa Bonifacio Global City, Taguig City, noong Biyernes.
Sa ulat ng pulisya, alas 7:30 ng umaga ng Setyembre 18 nang mangyari ang insidente sa Fort Victoria Building, sa Barangay Fort Bonifacio.
Ang biktima ay isang Filipino at lalaking law student umano ng isang unibersidad sa Bonifacio Global City, na ayon sa ibang ulat ay Ateneo University.
Narinig umano ng kalabog ang condomium security personnel, maintenance worker at ilang tenants, at nang kanilang alamin nakitang wala ng buhay sa lapag ang biktimang estudyante.
Masusung imbestigasyon ang isinagawa ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig City Police Station at Southern Police District Forensic Unit to conduct crime scene processing.
Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung sinadya o aksidente ang pagkahulog ng biktima.
Ayon kay Taguig CPS chief, P/Colonel Julius Añonuevo patuloy pang inaalam kung nagpatiwakal ang biktima dahil patuloy pang sinusuri ang ang mga kuha ng CCTV sa lugar at hihintayin pa ang resulta ng awtopsiya sa bangkay.
Pakiusap ng mga awtoridad na iwasan ng netizen ang mga haka-haka at pagpo-post sa social media na nag-uugnay sa apelyido ng biktima sa isang personalidad na iniuugnay sa kontrobersiya sa flood control projects. (Gina Garcia)
