Nakiisa ang komedyanteng si Kuya Jobert sa mga personalidad na pumuna sa kontrobersiyal na giveaway ni Ivana Alawi matapos itong iugnay sa pagpo-promote ng isang online gambling platform.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Kuya Jobert ang post ng netizen na si April Cortes Titong na nagpahayag ng pagkabahala sa epekto ng naturang promotional campaign.
“Seeing the 100 iPhone giveaway used to promote online gambling was heartbreaking. All I could think about was the thousands of Filipinos who might be encouraged to gamble because someone they look up to made it seem exciting or rewarding,” pahayag ng netizen.
Nilagyan naman ito ng sariling komento ni Kuya Jobert.
“Namimigay ka nga inengganyo mo naman sila magsugal. Kulang pa ba yung blessing na meron kayo?” caption ni Kuya Jobert.
Maraming netizens ang sumang-ayon sa komedyante at nagsabing hindi umano magandang gamitin ang isang malaking giveaway upang hikayatin ang publiko na sumubok sa online gambling.
Ilan sa mga nagkomento ay nagsabing mas makabubuti sanang inilaan na lamang ang naturang proyekto sa pagtulong sa mga nangangailangan, habang mayroon ding nagtanggol kay Ivana at nagsabing wala namang masama sa kanyang ginawa.
Naging usap-usapan ang giveaway ni Ivana matapos niyang ipahayag na mamimigay siya ng 100 iPhone 17 sa kanyang followers.
Gayunman, umani ito ng batikos nang mapansin ng ilang netizens na kabilang sa requirements ang pag-follow sa isang online gaming app na kanyang iniendorso.
Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang aktres tungkol sa mga kritisismong ibinabato sa kanya.
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward
