Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 27.
Ito ay sa bisa ng Executive Order No. 23, Series of 2026 na nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte noong Miyerkoles, Hulyo 22.
Layunin ng suspensyon na hikayatin ang publiko na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maiwasang maipit sa trapiko ang mga mamamayan dulot ng mga road closure.
Idaraos ang ikalimang SONA ng Pangulo sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
=====

Share.
Exit mobile version