Bagama’t naniniwala ang lahat na may romansa nang namamagitan kina Kim Chiu at Paulo Avelino na mas malalim pa sa pagiging magka-love team, ibinahagi ng isang netizen ang kuwento tungkol sa isang politiko na labis na humahanga sa nasabing Chinita Princess.
Sa isang blind item tsika ng netizen sa kanyang X media post, ikinuwento nito na napalingon daw umano sa paghanga ang politiko nang makita raw nitio si Kim nang walang make-up.
Ang nasabing politiko ay big time, gwapo, hindi corrupt at may malinis na reputasyon.
“Big time politician na gwapo, tapat, matapang, malinis, hindi corrupt at maganda ang reputation na labis ang paghanga sa ating @prinesachinita dahil sa kanyang taglay na kagandahan esp daw pag walang make-up, napapalingon daw ito. At mas lalo syang humanga dito dahil sa ugali.”
Syempre, sinang-ayunan naman ito ng mga solid ni Kim.
“Yes, maganda naman talaga si Kimmy kahit no make-up..kahit yung boss q lage nia cnsv na pretty si Kimmy pag no make up at sobrang bait kya crush nia si Kimmy punta xa canada support kay Kimmy.”
Ibinida naman ng isang faney ang kanyang politician boss na sobra ang pagka-inlove kay Kimmy.
“Same with my boss na politician grabe ang pagka-inlove nya kay Kim nakita nya daw sa Airport at nagulat sya kasi mas maganda daw sa personal.”
Lumitaw ang pangalan ni Pasig City Mayor Vico nang magtanong ang isang netizen sa mas malinaw na pagkakakilanlan sa politiko.
“Is it Vico Sotto? Tell me plsss in pm.”
Lumitaw rin noon ang pangalan ni Lucena Mayor Mark Alcala na umano’y nagtangkang manligaw kay Kimmy pero nabasted ito.
Pinaghinalaan ng solids ni Kim si Alcala matapos kumalat ang tsikang, mamahalin ang mga regalong ibinibigay nito kay Kim dahilan para mawalan ng gana at tanggihan ito ng aktres.
Sumulpot ang tsika ilang taon na ang nakaraan bago pa na-link si Alcala kay Kathryn Bernardo na sinasabi umanong ka-relasyon ngayon ng Box Office Queen.
Trending
- Vice Ganda : It’s Showtime “nganga”
- 3 Krus ni Juan : P60.69 /dollar; diesel P122/ liter; stocks, lugmok
- TRUMP :PEACE DEAL SOON!
- Phoemela Baranda buntis @ 40
- Kathryn Bernardo magkakaroon ng wax figure sa HK
- Kim Chiu bet ang gwapo, matapang, ‘di korap na politiko
- Rabiya at Jake Cuenca magka-date sa b-day party ni Sienna Stevens
- Miss Grand Thailand candidate natanggal pustiso habang nagpapakilala

