Ibinahagi ni dating Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang kaniyang plano sa politika sa susunod na eleksyon sa 2028.
Sa interview video na ibinahagi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang Facebook page nitong Linggo, Hunyo 7, 2026, iginiit ni Barzaga na pinag-iisipan niyang muling pasukin ang Kamara.
“For my future plans, wala pa masyado. Hindi ako pwede sa Senate, by 2034 pa yung earliest,” ani Barzaga.
Dagdag pa niya, “So likely, for Congress ulit. Either for district Representatives ulit or kung sakali man may mga partylist na mag-iinvite sa akin, baka partylist.”
Matatandaang noong Hunyo 2 nang tuluyang na-expel sa Kamara si Barzaga matapos itong pagbotohan ng kapwa mga kongresista at nakakuha ng 265-14-8 na boto.
Si Barzaga, na unang naupo bilang kongresista noong Hunyo 30, 2025 sa pagsisimula ng 20th Congress, ay nagsilbi nang halos 11 buwan bago tuluyang mapatalsik sa puwesto.
Ang rekomendasyon ng komite ay nagmula sa reklamong inihain ni House Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin. Nakabatay ito sa mga pahayag ni Barzaga sa social media na nag-uugnay umano kina Garin, kaniyang anak, at House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor sa pagkamatay ng isang vice mayor na nasawi dahil sa aksidenteng pagputok ng baril.
Bago nito, matatandaang dalawang beses ding nasuspinde sa sa Kamara si Barzaga, bunsod ng kaniyang maaanghang na Facebook post laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdiand “Bongbong” Marcos, Jr., at laban sa mga kapwa mambabatas.
Trending
- Alex Eala kampeon sa Birmingham Open!
- Mahigpit na seguridad ipatutupad sa Game 3 ng NBA Finals
- Imelda Schweighart inamin na buntis nang lumaban sa MGI All Stars
- Aljur, bumili ng diamond ring para kay AJ
- Daniel, ibinida si Kaila sa IG; Grammar ng caption, kinuwestyon
- LINDOL ; HIGIT NANG 30 ANG PATAY
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers

