May bago na namang tahanan si Kevin Durant at sa pagkakataon na ito ay maglalaro naman siya para sa Houston Rockets.

Sa trade sa pagitan ng Phoenix Suns at Rockets, matagumpay na nailipat si Durant sa bago niyang koponan.

Kapalit kay Durant, nakuha naman ng Suns sina Jalen Green at Dillon Brooks kasama na rin ang No. 10 pick sa 2025 NBA Draft at limang second-round picks.

Ang 36 taong gulang na si Durant ay may average noong nakaraang season na 26.6 puntos, 6.0 rebounds at 4.2 assists sa loob ng 62 na laro.

Bukod sa Rockets at Suns, naglaro na rin noon si Durant sa Oklahoma City Thunder, Golden State Warriors at Brooklyn Nets.

Share.