Kaloka talaga ang puksaan nina Kathryn Bernardo, Maja Salvador, ha! Tinodo na talaga nila nang husto, kaya naman nagulantang ang mga faney.

Heto nga at mas lalong pinainit nina Kathryn, Maja ang Primetime Bida sa kanilang pangmalakasang aktingan at mas tumitinding puksaan para sa ‘Someone, Someday’ na nagtala ng all-time high record na 353,672 peak concurrent viewers sa YouTube noong Miyerkoles (Agosto 19).

Nangibabaw ang ‘mata-mata’ acting ng dalawang aktres sa isang malupit na komprontasyon, kung saan sinampal ni Kathryn/Billy si Maja/Abi at tinawag na sinungaling matapos siyang traydurin nito. Agad na pumatok at umani ng papuri sa mga manonood ang eksena dahil sa kanilang husay na pagganap.

Kaloka nga ang karakter ni Maja, na tuluyan na ngang ipinakita ang kanyang tunay na ugali, na mula sa pagbabait-baitan bilang fan ng karakter ni Kathryn na si Billy, heto nga at number one na nitong karibal na determinadong pabagsakin si Kathryn/Billy.

Pero `yun nga, hindi naman papayag ang karakter ni Kathryn, dahil nanggagalaiti na rin siya sa galit at hindi na siya magpapatalo lalo na nang malaman nila ng best friend niyang si Jordan/James Reid na pineke pala ni Maja/Abi ang kanyang pagkatao para makapasok sa buhay nila. Na mula sa pagiging si Bea ay siya na si Abi.

Naku, sure ako, mas marami pang matitinding talakan, sampalan sina Kathryn, Maja. At `yun ang dapat abangan!
=====

Share.
Exit mobile version