Nahaharap sa mas mabigat na usapin ang beteranong broadcaster na si Jay Sonza nang kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na may karagdagang kaso laban sa kanya sa ilalim ng Revised Penal Code, bukod pa sa cyberlibel.
Inaresto si Sonza nitong Huwebes ng gabi, April 30 batay sa warrant of arrest na inilabas ng Pasay Regional Trial Court, kaugnay ng umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon, partikular sa isyu ng diumano’y pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, dalawang kaso ang naging basehan ng pag-aresto:
“Meron din violation sa revised penal code pero ‘yun nga dalawang kaso. ‘Yun ang ating naging basehan.”
Nilinaw rin ni Matibag na ang warrant of arrest may nakasaad na “not bailable,” nguni’t hindi pa ito nangangahulugang pinal na desisyon sa pagiging non-bailable ng kaso:
“From my point of view as a lawyer kailangan na may mga krimen na hindi bailable at may mga krimen dapat bailable. Liliwanagin natin ‘yan sa korte.”
Sa kasalukuyan, nakakulong si Sonza sa NBI detention facility at nakatanggap ng paunang medikal na atensyon matapos makaranas ng hirap sa paghinga, lalo’t may history umano siya ng asthma.
Sa panig ng depensa, nauna nang tiniyak ng abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino na kanilang babantayan ang bawat hakbang ng proseso upang matiyak ang paggalang sa karapatan ng kanyang kliyente, lalo na bilang isang senior citizen.
Habang umuusad ang kaso, inaasahang magiging sentro ng pagdinig sa korte ang paglilinaw kung ang naturang kaso ay tunay ngang non-bailable, isang usaping may malaking epekto sa magiging kalagayan ng akusado sa mga susunod na araw.
Trending
- MAY panibagong oil price hike sa susunod na linggo.
- 19 sasakyan ng mga Discaya, hawak na ng BIR
- DepEd supervisor patay sa ambush
- Zaldy Co naiulat na nasa Paris – DFA chief
- Kaso ni Jay Sonza, ‘di bailable; lilinawin sa korte
- Dhenver Castillo nakakuha ng medalyang pilak sa windsurfing
- Cignal Super Spikers pahinga muna sa PVL
- Ex-journalist nagpakitang-gilas sa T100 Triathlon World Tour Singapore
