Tumaas ang mga kaso ng measles-rubella (MR) sa bansa ng 45 porsyento, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes, Abril 7.
Sa ulat ng DOH, nakapagtala ng 1,627 kaso ng MR mula Enero 4 hanggang Marso 21, 2026, mas mataas kumpara sa 1,121 kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ito ay 45 porsyentong mas mataas kaysa sa 1,121 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Iniulat din ng DOH na higit sa kalahati, o 1,111 (68 porsyento), ng mga kaso ay mula sa mga hindi nabakunahan.
Batay sa datos, ang limang rehiyon na may pinakamaraming kaso ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (344), Region XII (322), Region XI (163), National Capital Region (158), at Region III (154).
Ayon pa sa DOH, ang pambansang saklaw ng MR vaccination ay nasa 66 porsyento ng eligible na populasyon, ngunit tinatayang 821,000 indibidwal ang nananatiling hindi nabakunahan kahit karapat-dapat.
Ikinalungkot naman ng DOH ang kamakailang ulat ng pagkamatay dahil sa tigdas sa Quezon City kahit ang vaccination rate ng lungsod ay nasa 96%.
Ang mga sanggol na mas bata sa inirerekomendang edad para sa unang dose ng bakuna (karaniwang 9 na buwan para sa routine; 6 na buwan para sa supplementary immunization activity) ay nananatiling vulnerable.
Ang mga hakbang tulad ng outbreak response immunization (ORI) at active case finding (ACF) ay ipinatutupad upang maprotektahan ang mga batang hindi karapat-dapat mabakunahan, ayon sa DOH.
Binibigyang-diin ng DOH na ang bakuna laban sa measles-rubella ay ligtas, epektibo, at ang pinakamainam na proteksyon laban sa mga virus at malulubhang komplikasyon nito.
Patuloy ang routine immunization sa buong bansa, habang naghahanda na para sa Phase 2 ng measles-rubella supplemental immunization activity (MR-SIA) sa Luzon at Visayas.
Trending
- Blazers, dinala sa OT ang matchup vs Nuggets
- Bucks, talo sa Nets
- Walang panibagong lockdown sa Pinas – DOH
- Kaso ng measles-rubella sa Pinas, tumaas ng 45%
- Pagpapaptupad ng 100% online classes, pinayagan ng CHED
- Bato No. 1 absinero, pero may sahod sa Senado
- Libreng online courses sa AI, alok ng Harvard
- Bebot huli sa P698K substandard na mantika, suka, patis sa Bulacan
