Nasawi ang 35-anyos na Amerikano nang pagbabarilin ng mga holdaper sa Teresa, Rizal.
Ayon sa Police Regional Office-Calabarzon (PRO-4A), nangyari ang insidente sa Barangay San Roque noong gabi ng Hulyo 10.
Naglalakad umano ang biktima na si alyas “Ray” nang lapitan siya ng dalawang suspek na sakay ng itim na Honda motorcycle at nagdeklara ng holdap.
Nanlaban naman umano ang biktima kaya pansamantalang umalis ang mga suspek, ngunit bumalik ang mga ito at binaril siya sa balikat at ulo, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Tinangay rin ng mga salarin ang kanyang mga personal na gamit bago tumakas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

Share.
Exit mobile version