Sa kabila ng pagboykot ng grupong pinamumunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano, nakabuo ng quorum ang 12 senador nitong Miyerkules na nagresulta sa pagkakahalal kay Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at pagtatalaga ng mga bagong pinuno ng komite.
Pangatlong sunod na araw na hindi dumalo sa plenary session ang majority bloc ni Cayetano. Gayunman, dumalo si Sen. Francis Escudero, na dating kabilang sa grupo, at nakasama ang 11 senador ng minority bloc upang makabuo ng quorum.
Ayon sa kampo ni Gatchalian, ang quorum na 12 ay nakabatay sa bilang ng mga senador na legal na makagagampan ng kanilang tungkulin. Anila, ito ay naaayon sa desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing sapat ang mayorya ng mga available na miyembro para sa quorum.
Ipinatupad ang quorum na 12 matapos maaresto si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder at muling magtago si Sen. Ronald Dela Rosa na may arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Binanggit din ni Gatchalian ang nangyaring sesyon noong Mayo 5, 2015, kung saan ang quorum ay ibinatay lamang sa 17 available na senador dahil may mga nasa ibang bansa at may mga nakakulong na hindi makadalo.
Matapos ang sesyon, sinabi ng bagong majority bloc na hindi dapat maparalisa ang Senado dahil sa mga alitan sa loob nito.
“Our duty is clear: to legislate, provide oversight, and serve the public interest. The Filipino people deserve a Senate that shows up, does its job, and places public service above politics,” ayon sa kanilang pahayag.
=====
Trending
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
- China kinondena sa Senado vs pananakit sa PN personnel sa Ayungin Shoal
- Pasay LGU ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up
- P85 wage hike sa NCR walang suspensyon, tuloy-tuloy
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
