ISINUMITE na ng House of Representatives sa Korte Suprema ang karagdagang impormasyon kaugnay ng impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte, ayon sa pahayag ni House Spokesperson Atty. Princess Abante nitong Sabado.
Idinagdag ni Abante na ang OSG ay nagsumite ng dokumento sa pamamagitan ng Philippine Judiciary Portal, at naipaabot na ito sa mga kinauukulang panig.
Nauna nang inatasan ng SC ang Senado at Kamara na magsumite ng paliwanag at impormasyon ukol sa impeachment trial.
Ito’y kasunod ng pagsasama-sama ng SC En Banc sa dalawang petisyon.
Isa mula kay Duterte na umapela laban sa legalidad at konstitusyonalidad ng ika-apat na reklamo ng impeachment laban sa kanya
Isa mula kina Atty. Israelito Torreon at iba pa na humihiling na ideklarang walang bisa ang mga articles of impeachment.