Game na game na si Kaila Estrada sa pagpo-post ng kanyang mga ganap kasama si Daniel Padilla.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kaila ang mga larawan ng kanyang pamamasyal sa Japan kasama ang ilang kaibigan at si Daniel.

Ipinakita ni Kaila ang pagkain nila sa isang resto, pagsakay sa tren at page-enjoy habang nasa Summer Sonic Festival.

Kitang-kita rin sa mga larawan na very comfortable na sa isa’t isa at apaka-sweet sina Daniel at Kaila.

Sey naman ng mga faney:

“Grabe! Bagay na bagay!”

“Bagay din yung visuals nila. They look good together. Hindi sila papansin couple.”

“They really look good together.sana sana sana end game na.”

===

Share.
Exit mobile version