Isinisisi ng Makabayan bloc sa krisis at kahirapan, na hindi umano matugunan ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang mga nangyayaring krimen tulad ng pagnanakaw.
“Kung uugatin natin ang issue kung bakit may krimen ay dahil sa krisis ng lipunan, dahil po naghihirap ang sambayanang Pilipino. Walang makain, walang pambili ng pagkain or gutom ang mga pamilya dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” ani Kabataan party-list Rep. Renee Co sa press conference ng Makabayan bloc.
“Yun po ang pinakikitang rason kung bakit may pagnanakaw at iba pang mga krimen,” dagdag pa ng mambabatas kaugnay ng sunod-sunod na mga ulat hinggil sa pagnanakaw at iba pang krimen na nangyayari sa bansa.
Dahil dito hiniling ni Co sa gobyerno na ugatin ang problemang ito sa halip na dagdagan lamang ang mga puwersa ng pulis sa mga lansangan, mga eskuwelahan at mga matataong komunidad.
Inayunan naman ito ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na naniniwalang hindi magnakakaw ang mga tao kung merong trabaho at makatarungang sahod ang mga ito at may mabiling pagkain sa murang halaga.
“Ang pinakalaganap pa rin yan ay lalong lalong sa kaso ng pagnanaka o halimbawa, yung rason ng kawalan ng trabaho o yung kakulangan ng sahod o kaya naman yung matinding gutom at kahirapan,” ani Elago.
Kasabay nito, tila duda din si Elago sa report ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa 20.6% ang crime rate Mula Abril 6 hanggang June 4, 2026, dahil marami umanong krimen ang hindi inerereport ng biktima dahil sa takot at kawalan ng tiwala sa mga awtoridad.
“Mahalagang suriin ang totoong kondisyon sa ating mga kumunidad, lalong lalong na yung posibleng hindi pagtatala at mismo pag-report ng mga biktima ng krimen. Yung po ay napakalaganap lalong lalong sa mga kaso ng violence against women na malaki ang underreporting dahil sa takot o yung laganap para na victim blaming o shaming o kaya naman yung akawala ng tiwala sa authorities mismo,” ani Elago.
====
Trending
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
- China kinondena sa Senado vs pananakit sa PN personnel sa Ayungin Shoal
- Pasay LGU ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up
- P85 wage hike sa NCR walang suspensyon, tuloy-tuloy
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
