Tila pagod at “haggard” umano ang bagong rehistro ni Joshua Garcia sa camera, dahilan para mapansin at mapag-usapan ng ilang netizens ang hitsura ngayon ng Kapamilya actor.
Nagsimula ang usapan matapos mag-post si Joshua sa Facebook ng tatlong reels kasama ang dati niyang ka-love team at ex-girlfriend na si Julia Barretto bilang bahagi ng promotion ng bago nilang pelikulang “Always Yours, Never Mine.”
Pero bukod sa reunion ng JoshLia, mas napansin ng ilang netizens ang pagbabago sa itsura ni Joshua.
May bagong kulay ang buhok ng aktor at para sa ilan, tila mas payat na rin ang kanyang mukha at mukhang puyat sa mga video.
Umabot pa sa Reddit ang usapan nang kuwestiyunin ng isang netizen kung hindi lang ba bumagay kay Joshua ang bago niyang hair color o baka naman epekto ng pagod at kakulangan sa tulog ang tila “haggard” niyang hitsura.
Sey nila:
“Hndi bagay syo idol style color hair mo msydo ngng mature face dating mo kysa dating baby face clean face.”
“Bkit n hagard c Joshua.””
“Parang pumayat si Juswa.”
“TBH, it does not look good to Joshua, para syang nagka sakit or something (not a hater of him ah), hope he hasn’t joined the team insta-slim injectables, iykyk!!!”
“Welcome to the haggard era! HAHAHA.”
“Ganyan siguro itsura ni Joshua if di sya sumikat haha char.”
=====
Trending
- Perpetual nasungkit ang unang panalo sa NCAA basketball
- Jimmy Alapag bukas maging coach ng Gilas Pilipinas
- Joshua Garcia pinuna sa ‘haggard’ look
- Maymay, malakas na ang loob, dumalaw sa puntod ng ina
- Venice, sa ospital nag-bday
- Comprehensive School Safety Framework ikinasa
- Sen. Robin, planong mag-migrate sa Islamic country
- Mahigpit na implementasyon ng waste management
