Hindi pa nagkasya si John Lloyd Cruz sa ipinoste niyang pamumulot ng basura ng kanyang anak na si Elias noong nakaraang linggo, muli siyang nag post ng parehong ganap pero may karga itong ibang eksena kung saan simpleng namumuhay ang anak kasama ng ilang mga batang gaya nya.
Sa kanyang IG post, ibinahagi ni JL ang photo ng anak na nasa bakanteng lote kasama ang isang bata na naghahanap ng basura.
At sa ilang mga shots naman makikitang naglalaro ng billiard ang anak kasama pa rin ng parehong bata sa pamumulot.
Sa huling video mapapanood si Elias kasama ang tatlong bata sa loob ng kuwarto habang kumakanta ng happy birthday.
Ibinida ni JL ang shots at video dahil mismong ang naga-alaga sa anak nya at sa ibang bata ay nagsi-celebrate ng kaarawan nito.
Caption pa ni JL, “Mga kuha ni ate mean. Happy Birthday ate mean! Salamat sa paga-alaga.”
Makikita sa mga larawan at video ang simpleng pamumuhay ni Elias sa piling ng ibang bata.
Iisa ang kuwartong tinutuluyan ni Elias kasama ng mga nasabing bata.
Malinaw ang nais ipahiwatig ni JL sa post, ipinaparanas ang normal na buhay na hindi maranya at normal ding nakikisalamuha sa mga ka-edad nito.
Makikita sa reaksyon ni Elias ang kasiyahan na sumasabay sa pagkanta ng ibang mga bata ng happy birthday.

Share.
Exit mobile version