Ipinag-utos ng Sandiganbayan Second Division ang 90-araw na preventive suspension laban kay Senador Jinggoy Estrada simula Hunyo 16, 2026.

 Kaugnay ito ng mga kasong graft at plunder na may kinalaman sa umano’y ₱573-milyong flood control scandal.

Ang kautusan ay alinsunod sa Section 13 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at Section 5 ng Plunder Law (RA 7080), na nagtatakda ng awtomatikong preventive suspension sa mga opisyal na nahaharap sa kasong kriminal.

Layunin ng suspensyon na maiwasan ang posibleng panghihimasok sa ebidensya o saksi habang dinidinig ang kaso.

Si Estrada ay naaresto noong Hunyo 1, 2026 matapos maglabas ng warrant ang Sandiganbayan Fifth Division.

Sa kanyang arraignment, tumanggi siyang magpasok ng plea kaya’t awtomatikong naitala ng korte ang “not guilty.”

Nakatakda ang susunod na arraignment sa Hunyo 30, 2026.

 

Share.
Exit mobile version