Nakapagpiyansa si Senador Jinggoy Estrada ng halagang Ninety Thousand pesos sa Sandiganbayan nitong Biyernes, Mayo Beinte Nuwebe, kaugnay ng mga kasong graft na inihain laban sa kanya kaugnay ng multibillion‑peso flood control scandal.

Bagama’t pansamantalang nakalabas dahil bailable ang kasong graft, nananatiling mabigat ang kinakaharap ni Estrada dahil sa hiwalay na plunder case na umabot sa Five Hundred Seventy Three million  pesos  na umano’y kickbacks mula sa mga proyekto ng DPWH.

Ang kasong plunder ay hindi bailable, maliban na lamang kung makikitang mahina ang ebidensya.

Ayon sa Ombudsman, nakatakdang humiling ng arrest warrant at hold departure order laban kay Estrada at sa mga kasamang opisyal ng DPWH upang matiyak na haharap sila sa paglilitis.

 Ito na ang ikatlong plunder case ni Estrada—matapos ang jueteng scandal noong Year  Two Thousand and One  2001 at ang PDAF scam noong  Year Two Thousand Fourteen.

Sa PDAF plunder case, siya ay naabsuwelto noong 2024 ngunit napatunayang guilty sa graft.

Narito ang pahayag ni Estrada na nai-post sa social media:

“I am personally posting bail before the Sandiganbayan in relation to the arrest warrant issued by its Second Division. Posting bail is a legal remedy available to me under our justice system, and I intend to avail myself of every lawful means to defend myself and clear my name. Mariin kong itinatanggi ang mga paratang laban sa akin. Ang mga ito ay walang batayan at walang bahid ng katotohanan. I respect the rule of law and our judicial institutions, and this is precisely why I am posting bail and personally submitting myself to the jurisdiction of the Sandiganbayan.

Umaasa ako sa patas na pagtrato, due process, at pagiging walang kinikilingan sa pagdinig ng kasong ito. Nagtitiwala ako na sa huli, mananaig ang hustisya at ang katotohanan”.

Share.
Exit mobile version