Sugatan ang pitong pasahero nang araruhin ng isang armored van ang isang jeepney sa kahabaan ng Doña Aurora Boulevard, Barangay Gulang-Gulang, Lucena City.
Ayon sa imbestigasyon ng Lucena Police, 9:00 ng gabi noong Huwebes, binabagtas umano ng Isuzu jeepney ang naturang kalsada patungong diversion road nang bigla itong mabangga sa likuran ng isang armored van.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, sugatan ang pitong pasahero ng jeep kabilang ang dalawang menor de edad.
Agad silang dinala ospital para sa karampatang lunas.
Sa isinagawang pagsusuri, napag-alamang positibo umano ang driver ng armored van sa alcoholic breath sa oras ng insidente.
Dinala ang lahat ng sangkot sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon.
Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na iwasan ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak upang makaiwas sa ganitong uri ng aksidente.
Trending
- Babaeng naglalakad sa bangketa, nabagsakan ng bakal
- Kauna-unahang Kano nakaabot sa tuktok ng Mt. Everest pumanaw @ 97
- Kagawad nag-park sa harap ng bahay ng kapitbahay, nanugod nang sitahin
- 2 paslit patay nang makulong sa sasakyan
- Blazers, dinala sa OT ang matchup vs Nuggets
- Bucks, talo sa Nets
- Walang panibagong lockdown sa Pinas – DOH
- Kaso ng measles-rubella sa Pinas, tumaas ng 45%
