Handa umano ang Japan na magbigay ng anumang tulong na kakailanganin ng Pilipinas kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Lunes.
Sa isang post sa X, nagpahayag ng pakikiramay si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa mga pamilya ng mga nasawi at nagpahayag ng simpatiya sa lahat ng mga naapektuhan ng sakuna.
“I am deeply saddened by reports that the major earthquake that struck off Mindanao in the southern Philippines today has caused damage, including the collapse of buildings,” ani Sanae.
“Japan stands ready to provide all possible assistance that the Philippines may need, based on local needs. Japan always stands with the people of the Philippines,” dagdag pa niya.
Samantala, batay sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes, umabot na sa 37 ang bilang ng mga nasawi habang 456 naman ang sugatan sa lindol.
Trending
- Alex Eala handa ng harapin si Zhang ng China
- PSC sa pagkasawi ng 2 basketbolista ng Ateneo
- Home Along Da Riles, binuhay nina Vandolph at Boy 2
- SB19 Stell, nabitin sa Showtime
- Ex ni Coco, pasok sa CocoJules serye
- Impeachment Pre-Trial Conference kasado sa Hunyo 18
- VP Sara ‘iwas pusoy’ – Chua
- DFA hakbang sa karapatan ng Pinas sa WPS
