NANGANGANIB na magkaroon na isang front sa Middle East War  kung saan magiging sentro ng alitan ang mismong Strait of Hormuz.

Naglabas ng magkasanib na pahayag ang Japan at ilang pangunahing bansang Europeo kabilang ang Britain, France, Germany, Italy, at Netherlands na kumokontra sa Iran.

Mariing kumokondena ng mga ito ang mga pag-atake ng Iran laban sa mga komersyal na barko at imprastrukturang sibil sa Gulpo.

Ayon sa ilang nagmamasid, nagpapahiwatig ito na nakahanda rin ang mga lumagdang bansa na magbuo ng pwersang military upang proteksiyunan ang mga inosenteng gumagamit sa Strait of Hormuz.

Binatikos nila ang de facto na pagsasara ng Iran sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang daanan ng langis at gas sa buong mundo.

 Ayon sa kanila, ito ay banta sa pandaigdigang kalakalan at seguridad ng enerhiya.

Mariing pagtutol sa mga pag-atake ng Iran sa mga barkong walang armas at sa mga pasilidad ng langis at gas.

Pagpapahayag ng kahandaang makibahagi sa mga angkop na hakbang upang matiyak ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz.

Panawagan sa mga bansang gumagawa ng enerhiya na taasan ang produksyon upang mapatatag ang merkado.

Apela para sa agarang moratoryo sa mga pag-atake at panawagan sa Iran na mag-de-eskala ng tensyon.

Ang Strait of Hormuz ay dinadaanan ng halos beinte porsiyento ng pandaigdigang suplay ng langis. Dahil sa mga pag-atake ng Iran, tumaas ng sisenta porsiyento ang presyo ng natural gas sa Europa mula nang magsimula ang sigalot.

Maaaring maghain ng resolusyon sa UN at magpatupad ng karagdagang parusa laban sa Iran.

Ang magkasanib na pahayag ng Japan at Europa ay malinaw na mensahe ng pagkakaisa laban sa Iran, na naglalayong protektahan ang kalakalan, enerhiya, at pandaigdigang seguridad.

Share.