Posibleng simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6, ilang linggo bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay Senador Erwin Tulfo.

“Nagbigay na po ng schedule kahapon, nagpatawag po ng caucus po of all members si SP Cayetano at July 6 po ang umpisa nung ika nga impeachment trial,” pahayag ni Tulfo sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes ng umaga, Mayo 21.

“Monday po may session kami sa umaga, 10:00 to 1:00 at pagkatapos po noon 2 o’clock to sawa ng Monday, eh yun ang impeachment trial. Tuesday, Wednesday, ganun din po– 3 o’clock po mag-uumpisa ng hapon hanggang gabi. And then Thursday, puro session lang po,” saad pa niya.

Nauna nang ipinag-utos ng impeachment na ipatawag si Vice President Sara Duterte.

Binigyan ang Bise Presidente ng 10 araw para sagutin ang mga nakasaad sa Articles of Impeachment.

“After po magbigay ng 10 days sa kampo po ni VP Sara ng 10 days, kailangan po sumagot din po yung prosecution, 5 calendar days. At pagkatapos we will move on na po sa mga pre-trial. Ito po yung mga marking of the pieces of evidence na matatanggap, statements, etc etc,” sabi ni Tulfo sa hiwalay na panayam naman sa radyo nitong ring Huwebes.

“Parang pinaka-trial po talaga ay mag-start po sa July 6 pagkatapos po ng aming break na sine die doon na po mag-umpisa. Ang plano po, kung hindi ko po nakakalimutan, kung matatandaan ko pa, parang lumalabas po pre-SONA, ang mangyayari po,” sambit pa niya. 

Share.
Exit mobile version