Hindi makakaapekto sa paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2028 elections sa kasalukuyang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Kapihan sa Manila Bay.
Bagama’t aminado si Garcia na palaging magiging pulitikal ang proseso ng impeachment, sinabi niyang ayaw ng Comelec na madamay dito. Idinagdag niya na ang poll body ay naghahanda na para sa halalan.
Ayon pa kay Garcia, tatanggapin ng Comelec ang lahat ng kandidato para sa 2028 elections. Kung may mga dahilan upang madiskuwalipika ang alinman sa mga ito kanila itong lulutasin at dito aniya maipakita ang impartiality ng komisyon.
Sinabi ni Garcia na ang 2028 elections ang kanyang huling pagiging Comelec Chairman at nangako ng malinis at tapat na halalan at pabilisin ang mga resolusyon sa diskwalipikasyon ng mga kandidatura.
Ayon kay Garcia, sa kabilang ng ingay ng impeachment at iba pang isyu, hindi aniya apektado ang Comelec.
“Lagi nating sinasabi na dalawang taon bago ang 2028 elections, pinaghahandaan na natin ito,” ani Garcia.

Share.
Exit mobile version