Magkakabisa sa Hulyo 1, 2026 ang ikalawang bahagi ng taas-singil sa toll ng South Luzon Expressway (SLEX) at STAR Tollway, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).
Ang dagdag-singil ay bahagi ng naaprubahang toll adjustment para sa mga taong 2018, 2020, 2022, at 2024. Naipatupad ang unang bahagi ng taas-singil noong Enero.
Bagong toll sa SLEX:
-Alabang–Calamba: Class 1 – ₱137, Class 2 – ₱274, Class 3 – ₱411 (dagdag na ₱11, ₱21, at ₱32)
-Calamba–Sto. Tomas: Class 1 – ₱37, Class 2 – ₱74, Class 3 – ₱111 (dagdag na ₱3, ₱6, at ₱9)
Bagong toll sa STAR Tollway:
-Sto. Tomas–Lipa: Class 1 – ₱64, Class 2 – ₱128, Class 3 – ₱192
-Lipa–Batangas City: Class 1 – ₱57, Class 2 – ₱114, Class 3 – ₱171
-Sto. Tomas–Batangas City (end-to-end): Class 1 – ₱121, Class 2 – ₱242, Class 3 – ₱363
Para sa end-to-end na biyahe sa STAR, madadagdagan ng ₱8 ang Class 1, ₱17 ang Class 2, at ₱26 ang Class 3.
Ayon sa TRB, gagamitin ang dagdag na kita para sa patuloy na operasyon at maintenance ng SLEX at STAR upang masiguro ang mas ligtas, mas mabilis, at mas maayos na biyahe ng mga motorista.
=====
Trending
- Mommy ni Eman Bacosa: ‘Malinis ka maglaro at ‘di madaya
- Coach Chot Reyes ‘very good coach’ ang pagkakakilala kay Tab Baldwin
- Pops Fernandez nagreak sa kanyang estatwa
- Catriona Gray trending sa Thailand
- Piolo Pascual ‘tinuka’ si Arci Muñoz
- DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo
- Ikalawang dagdag-toll sa SLEX, STAR, ipatutupad sa Hulyo 1
- Proseso sa pagpapalit ng mga konsyumer ng supplier ng kuryente hiniling paikliin
