Inaprubahan na ng International Criminal Court (ICC) ang mga patakaran at iskedyul para sa paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30.
Ayon sa 23-pahinang desisyon ng Trial Chamber III, babasahin sa unang araw ng paglilitis ang mga kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte kaugnay ng umano’y mga pagpatay sa ilalim ng kanyang war on drugs campaign.
Inatasan ang prosekusyon na magsumite ng trial brief, listahan ng mga testigo, at mga ebidensiya bago ang Agosto 31.
Ang mga kinatawan ng mga biktima ay may hanggang Setyembre 28 upang magsumite ng kanilang mga dokumento, habang hanggang Oktubre 30 naman ang depensa upang ilahad ang mga puntong kanilang tututulan at ang kanilang magiging depensa.
Itinakda rin ng ICC ang mga alituntunin sa presentasyon ng ebidensiya, pagtestigo ng mga saksi, at mga hakbang para sa proteksiyon ng mga biktima at testigo.
Karaniwang isasagawa sa publiko ang mga pagdinig, ngunit maaari itong ilipat sa pribado o saradong sesyon kung may sensitibong impormasyon na tatalakayin.
Matatandaang inaresto si Duterte noong Marso 11 at dinala sa The Hague kinabukasan matapos ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inilabas ng ICC sa pamamagitan ng Interpol.
Trending
- EALA DISKARIL SA BERLIN OPEN, SABAK SA HOMBURG
- Gymnast ng Pilipinas handa na sa Asian Championships sa China
- John Estrada ibinuking tunay na ugali ni Daniel Padilla
- Sharon Cuneta rumesbak sa ‘Maleta Boys’
- Andrea Brillantes binakuran ng dyowang basketbolista
- Pampang ng ilog gagawing parke sa Manila Bay rehab
- DOJ inilunsad bagong prosecutors manual
- Pinas walang inaangkat na sariwang ube
