Mahigit 3.7 milyong katao na ang naapektuhan ng Bagyong Luis, Bagyong Maymay, at habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes.
Batay sa ulat ng ahensya alas-6 ng umaga, nasa 3,733,883 katao o 1,087,246 pamilya ang apektado sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Cordillera Administrative Region (CAR), Metro Manila, at Mimaropa.
Sa bilang na ito, 53,570 katao o 15,017 pamilya ang nananatili sa 553 evacuation centers.
Samantala, umabot na sa 21 ang napaulat na nasawi. Kabilang dito ang 10 sa Baguio City, tatlo sa Atok, dalawa sa La Trinidad, tatlo sa Rizal, at tatlo sa Batangas. Mayroon ding 14 na nasugatan at tatlong nawawala.
Apektado rin ang mga kabahayan, kung saan 1,336 ang bahagyang napinsala at 103 ang totally damaged.
Tinatayang nasa P2,647,707,229 naman ang pinsala sa imprastraktura, habang umabot sa P347,372,392 ang pagkalugi sa sektor ng agrikultura.
===
Trending
- 3 counts ng grave threats vs VP Sara
- Filing ng COC sa 2028 elections aagahan
- National Age Group Triathlon nakatakda Oktubre 24-25 sa Camotes Island
- Eala maaring makaharap si Ruse or Linette sa Cincinnati Open second round
- Netizen, ‘di na raw maniniwala post ni Jimmy
- Kim buntis, ikinasal na sa Amerika?
- Vice Ganda, takbong presidente
- Waste-to-energy program isusulong
