Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng criminal complaint laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque, asawa nitong si Mylah, at kay Percival Sazon Ortega dahil sa umano’y tax evasion kaugnay ng Biancham Holdings and Trading, Inc.
Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ng BIR na hindi naghain ng kinakailangang tax returns ang mga respondent at hindi nagbayad ng tamang buwis sa paglilipat ng shares at pagtaas ng authorized capital stock.
“The total estimated tax deficiency amounts to more than P3.35 million, inclusive of surcharges and interest,” ayon sa BIR.
Ayon pa sa ahensya, may probable cause upang kasuhan ang mga respondent ng willful attempt to evade tax sa ilalim ng Section 254 at failure to file tax returns sa ilalim ng Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997.
Nauna nang inakusahan ni Roque ang Kongreso ng “power tripping” kaugnay ng contempt at arrest orders laban sa kanya dahil sa umano’y pagkakadawit sa illegal Philippine offshore gaming operators (POGO).
Lumabas din ang kaso matapos pumayag si Roque na magsumite ng mga dokumento upang ipaliwanag ang paglaki ng assets ng kanilang Biancham Holdings mula P125,000 noong 2014, P3.125 milyon noong 2015, at P67.7 milyon noong 2018.
Trending
- SEC. GIBO TEODORO SUPORTADO NI DR. GOITIA
- Kai Sotto, AJ Edu hataw sa B. League
- Houston Rockets tinalo Los Angeles Lakers
- Para tipid gas: Jayson, nagmomotor na lang
- Jillian, masikreto pa rin sa lovelife
- ‘Baby,’ tawag ni Klea kay Janella
- Online seller timbog sa P2m shabu
- Kelot nameke ng lotto ticket sa Mandaluyong
