Kulong ang isang lalaki na alyas “Dave” nang mahuli sa aktong nagbebenta ng baril sa isang buy-bust operation sa Purok Magsaysay, Barangay Talahik, Surallah, South Cotabato, nitong Lunes, Agosto 10, 2026.
Pinangunahan ng CIDG 12 South Cotabato Provincial Field Unit ang operasyon bilang lead unit, katuwang ang Surallah Municipal Police Station, 2nd SCPMFC, 2nd Company PIU, South Cotabato Provincial Intelligence Team, Regional Intelligence Unit 12 at South Cotabato Highway Patrol Team.
Ayon sa mga awtoridad, naaresto ang suspek nang magbenta ng baril at mabigong makapagpakita ng kaukulang dokumento para sa legal na pagmamay-ari o possession nito.
Narekober sa operasyon ang isang Uzi submachine gun na walang nakakabit na magazine, isang steel magazine para sa Uzi, at ang marked buy-bust money na ginamit bilang bahagi ng operasyon.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG 12 South Cotabato PFU para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Ang suspek ay itinuturing na inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala sa korte.
===
