Patay na nang natagpuan ang isang ginang kasama ang kaniyang tatlong anak na pawang mga menor de edad sa Zamboanga del Sur nitong Lunes ng umaga, Hunyo 29, 2026.
Kinilala ang mga biktima na si alyas “Arlene,” ina ng tatlong menor de edad habang natukoy naman ang kaniyang mga anak na sina Nacel, 14-anyos; En-En, 13 anyos; at Arnel, 12-anyos.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.
Hinala ng mga awtoridad, hindi na hinayaan ng hindi pa natutukoy na salarin na makalabas ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan nang nangyari ang krimen.
Samantala, isa sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng mga awtoridad ang paghihiwalay ng relasyon ni Arlene at ng kaniyang mister, bagama’t wala pa umano silang nakikitang anumang detalye na maaaring iugnay sa krimen.
Napag-alaman ding isang anak ni Arlene ang nakaligtas na noo’y natulog sa bahay ng kaniyang lola.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nakiusap na rin sila sa publiko na agad makipag-ugnayan para sa ikauusad ng hustisya sa pamilya ng mga biktima.
Ito ay isang developing story.
Trending
- Kisame ng Candaba Trade Center sa Pampanga, gumuho
- Hukay sa kalsada gumuho: 2 patay, 1 sugatan
- Nagpapakabit ng solar power, dumadami dahil sa mataas na singil ng kuryente
- LPA sa PAR, posibleng maging Tropical Depression
- NAVOTAS CITYHOOD :2 GUSALI NG PAARALAN PINASINAYAAN; COVERED COURTS INI-RENOVATE
- Total ban sa celfon sa mga iskul ipinatupad sa Dumanjug, Cebu
- Ginang, 3 anak minasaker sa loob ng bahay
- Iran, US nagkasundo sa pagpapatigil ng mga pag-atake
