Matalik nang magkaibigan ay magkumare pa sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan.
Inaanak kasi ng 51 anyos na aktres si Quentin, anak ni Candy.
Nitong May ay magdiriwang ng kanyang kaarawan si Gelli at may regalo siya mula kay Quentin.
Tulad ng alam ng lahat, Quentin is a special yet bright kid who was diagnosed with autism.
“This has to be the sweetest boy!” pagmamalaki ni Gelli.
Na-touch ang aktres nang dalhin nito bilang pambayad sa kanilang kinain sa isang sikat na pizza house ang kanyang kulay asul na piggy bank.
Favorite daw kasi ni Quenrin ang Hawaiian pizza.
Makikitang nasa lisang mesa ang magkapatid na Janice at Gelli across Candy and Quentin.
Bukod sa pizza treat, nakatanggap din ng Cadbury chocolate si Gelli from her inaanak na kinuha pa nito sa kanilang refrigerator.
Sinamahan pa ito ni Quentin ng rosary mula sa kanyang Lola Nini.
Super close nga ang magkumare.
Candy is a solo parent who has ably raised Quentin sa kabila ng special needs nito.
Inspirasyon nga si Candy lalo na sa mga kapwa ina whose children are in the same situation as Quentin.
Trending
- South Korea, comeback win laban sa Czechia
- Garcia, Carlsen tabla sa ASEAN Esports Chess Cup
- Dating X-Men actor na si Tyler Mane, may breast cancer
- ‘Tawag ng Tanghalan’ mamamahinga muna – Vice Ganda
- Jeric Gonzales: 50-anyos bebot ipinalit kay Rabiya
- Mayor Magalong hinamon pangalanan ‘90% corrupt’ na kongresista
- Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa
- 3,500 iskul sarado pa rin sa Mindanao quake
