Pasabog ang naging pahayag ng aktres na si Gee Canlas tungkol sa umano’y pisikal na pananakit na naranasan niya mula sa kanyang estranged husband na si Archie Alemania.
Sa panayam niya kay Ogie Diaz para sa “Ogie Diaz Inspires”, ikinuwento ni Gee ang isang insidenteng aniya’y naganap matapos siyang piliting kausapin at baguhin ni Archie.
Ayon kay Gee, paulit-ulit umano siyang tinatanong ng aktor kung magbabago ba siya, kahit hindi niya umano malinaw kung ano ang nais nitong baguhin sa kanya.
“He wanted me to talk. He was forcing me to agree with him about something, and he was telling me, ‘Magbabago ka ba? Magbago ka! Magbago ka! Sumagot ka, magbago ka!’ Ginagano’n niya ako,” kuwento ni Gee.
Sa halip na siya lamang ang gumawa ng paraan para maisalba ang kanilang pagsasama, sinabi ni Gee kay Archie na kailangan din nitong magbago.
“And I didn’t even know what he wanted me to change. But all I knew was, sabi ko, ‘Magbabago ako, magbago ka rin! Kasi hindi puwedeng ako lang ang gagawa ng paraan and carry the marriage alone. It’s never gonna work,’” ani niya.
Dito umano nauwi sa pananakit ang kanilang pagtatalo. Ayon kay Gee, kumuha raw si Archie ng tumbler at hinampas siya nito sa gilid ng ulo, malapit sa kanyang tainga.
“No’ng nanggigigil siya, I saw him; he got a tumbler, and then he went to me. He hit me on the side of my head behind the ear. […] Malakas. Tumunog ‘yung skull ko. I heard it inside my head,” lahad ng aktres.
Binigyang-diin din ni Gee na mayroon umano siyang basehan sa mga ikinukuwento niya at hindi lamang ito mula sa kanyang alaala.
“Everything I say in this interview is backed with evidence. So this is not conjecture, this is not something na sa naaalala ko lang, it has evidence,” giit niya.
Matatandaang kinumpirma ni Gee noong March 2026 sa “Fast Talk with Boy Abunda” na hiwalay na sila ni Archie matapos ang ilang panahon ng espekulasyon tungkol sa kanilang pagsasama.
Sa naturang panayam, sinabi niyang nais na niyang ituon ang kanyang atensyon sa sarili, sa kanilang anak na si Caleb at sa mga taong mahalaga sa kanya.
“I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more,” pahayag ni Gee.
Aniya, nais niyang maging present para sa kanyang sarili, anak, pamilya at trabaho bilang isang babae at solo parent.
====
