Nasungkit ni Coco Gauff ang kanyang ikalawang women’s Cincinnati Open title matapos talunin ang kapwa Amerikanang si Jessica Pegula sa iskor na 6-2, 6-4 nitong Linggo.Mga Internasyonal na Kumpetisyong Pampalakasan

Ang naturang laban ang kauna-unahang all-American women’s final sa naturang torneo sa loob ng 56 na taon, mula noong magtuos sina Rosie Casals at Nancy Richey noong 1970.

Nagpakitang-gilas agad si Gauff sa unang set nang magtala ng dominanteng 5-0 kalamangan bago ito tuluyang isara sa 6-2.

Bagama’t sinubukan pang humabol ni Pegula sa ikalawang set at idinikit ang talaan sa 5-4, matatag pa ring tinapos ni Gauff ang laban gamit ang kanyang limang break points.

Dahil sa tagumpay na ito, tabla na ang kanilang head-to-head series sa 5-5.Tennis

Magandang preparasyon ang panalong ito para kay Gauff bago ang US Open, lalo’t matatandaang nagkampeon din siya sa nasabing Grand Slam noong huling beses siyang manalo sa Cincinnati.

Share.
Exit mobile version