Nais ni Parañaque 2nd District Brian Yamsuan na patawan ng 15 taong pagkakakulong ang mga hoarder, profiteer at nag-o-overprice na mga negosyante sa mga produktong petrolyo tulad ng mga gasolinahan.
Dahil dito, ihain ni Yamsuan ang House Bill (HB) 8616 dahil ang kasakiman umano ng mga negosyante sa industriyang ito ang isa sa mga nagpapahirap sa mga consumer kaya dapat aniyang patawan ang mga ito ng mas mabigat na parusa.
“Hindi dapat pinapaglagpas ang mga ganitong klaseng kasakiman at pagsasamantala sa dinaranas na krisis ng ating mga kababayan. Our proposed legislation seeks to substantially increase the penalties imposed under the current law owing to the abhorrent nature of these crimes,” ayon sa mambabatas.
“We hope that Congress would act swiftly and pass this bill when session resumes next month so that it would serve as a deterrent to those who profit from the misery and hardship that Filipinos face during times of volatile fuel prices,” dagdag pa nito.
Ginawa ni Yamsuan ang panukala kasunod ng inilunsad na kampanya ng Department of Energy (DOE) laban sa mga fuel hoarding para maiwasan na magkaroon ng artificial shortages na posibleng magpalala sa situwasyon.
Sa katunayan, nakatanggap aniya ang DOE ng 87 report ng kaso ng mga gasolinahan na nag-overprice kung saan 55 na sa mga ito ay inisyuhan ng show-cause order habang inulat ng Philippine National Police (PNP) na 375 sa 14,519 gasolinahan sa bansa nananatiling sarado dahil sa kawalan umano ng supply at 9 sa mga ito ay nakasuhan na.
Dahil dito, nireconvened ng DOE ang joint task force kasama ang Department of Justice (DOJ) para ipagpatuloy ang imbestigasyon sa pananamantala ng mga gasolinahan at makasuhan ang mga ito kung kinakailangan.
Gayunpaman, hindi aniya kabigatan ang parusa sa mga haorders at profiteers na nakasaad sa Presidential Decree (PD) 1865 at Batas Pambansa Blg. 33 at maging sa Downstream Oil Deregulation Law o Republic Act [RA] 8479 at maging Price Act o RA 7581.
Sa ilalim ng mga nabanggit na batas, dalawang taon na pagkakakulong lang ang kakaharaping parusa ng mga hoarders at profiteers sa industriya ng langis at P20,000 hanggang P50,000 na multa lamang.
Dahil dito, ihain ni Yamsuan ang nasabing panukala para itaas sa P50,000 hanggang P300,000 ang multa sa mga mahuhuling haorders at profiteers at pagkakakulong ng hanggang 15 taon.

Share.
Exit mobile version