Posibleng maisampa sa korte sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ang reklamo laban kay Senator Francis “Chiz” Escudero kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood-control project ng pamahalaan, ayon sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nasa preliminary investigation na ang reklamo at kabilang ito sa mga kasong plunder na inihahanda nilang ihain.
“Malapit na, malapit na. Isa ’yan sa inaayos namin na kasabay ng ibang kasong plunder na aming ipa-file within the next few weeks, maybe it will take two to three weeks more for us to file cases in the courts and for preliminary investigation. Naka-PI na ’yun,” ani Remulla sa isang press briefing.
Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye hinggil sa mga alegasyon o sa eksaktong mga kasong maaaring isampa.
Noong Mayo 21, inatasan ng Ombudsman si Escudero na magsumite ng kanyang counter-affidavit matapos kumpirmahing nasa preliminary investigation na ang reklamo.
Nag-ugat ang reklamo sa mga alegasyong nag-uugnay kay Escudero sa mga iregularidad sa flood-control projects. Nauna nang sinabi ng Ombudsman na saklaw ng imbestigasyon ang umano’y plunder, graft, at bribery kaugnay ng paghahanda at implementasyon ng mga infrastructure project.
Inihayag din ni Remulla na nakatakdang magsampa ang Ombudsman ng kasong plunder laban kay Senator Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan ngayong linggo, habang nasa preliminary investigation na rin ang reklamo laban kay Senator Joel Villanueva kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood-control project.
Trending
- Germany vs Paraguay: Mag-aagawan ng puwesto sa Round of 16
- Jimmy Alapag, itinalagang bagong head coach ng NLEX
- Wax figure ni Kathryn, ia-unveil na
- Mother ni Eman, rumesbak sa mga bashers
- Maricel at Anthony, pinuri sa pagpapalaki kay Donny
- Criminal liability ng pabayang gun owners inuumang na
- Bonoan isa sa mga may malaking pananagutan sa korapsiyon sa DPWH
- Flood-control case vs Chiz, posibleng maisampa sa 2-3 linggo
