IPINAGTANGGOL ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Ph.D., Chairman Emeritus of Four Philipinism Nationalist Democratic Advocacy groups si First Lady Liza Araneta Marcos laban mga mapanirang puri sa paglalabas ng isang opisyal na pahayag sa media. .

Puno si Goitia ng People Alliance for democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD), Liga Indipendencia Pilipinas ( LIPI) at Filipinos Do Not Yield ( FDNY- Movement) In Defense of First Lady Liza Marcos.

“Sa mahabang taon ng aking paglilingkod bilang isang public servant nasaksihan ko ang iba’t ibang uri ng paninirang puri, panlilinlang at pamababatikos sa iba’t ibang kaparaanan na ibinabato ng bawat isa sa kanilang mga katungggali sa pulitika ngunit sa isang malawakang pag-atake at ginawa online kamakailan kay First Lady Liza Araneta Marcos ay tunay na nabalisa,” panimula ni Goitia.

Isang pekeng police blotter ang lumabas online, na nag-uugnay sa kanya sa pagkamatay ni Paolo Tantoco.

Bilang isang taong nakasaksi sa kanyang totoong dedikasyon sa bansa at sa kanyang hindi natitinag na malasakit sa kabila ng samu’t saring pang-iinsulto at panggigipit, labis akong nabalisa kaya napilitang magsalita.

 Ang lumabas na post na ay hindi lamang isang malaking kasinungalingan kundi ito ay isang kalkulado at duwag na hakbang upang siraan ang isang babae na sa kabila ng lahat ay patuloy na naglilingkod sa bansa.

Patuloy na ipinapakita ang isang babae na tahimik ngunit may taglay na lakas at dignidad.

 Ang nasabing blotter na kumalat nang malawakan ay pinabulaanan na ng Konsulado ng Pilipinas sa Los Angeles at maging ng Malacañang.

 Wala itong sa mga opisyal na pagkakakilanlan o tanda ng isang tunay na dokumento mula sa Estados Unidos.

Ito ay gawa-gawa lamang na idinisenyo upang iligaw ang publiko.

 Nakilala ko ang Unang Ginang bilang isang taong may mataas na pinanghahawakang pamatayan para sa kapakanan ng bayan, pamilya at para sa kaniyang sarili .

Bilang isang ina at babae, siya ay may prinsipyo, matalino, magalang at hindi kailanman naghahanap ng spotlight.

Nakakalungkot na makita ang pangalan niya na nakaladkad sa putikan. Tama , nasa Estados Unidos siya noon pero wala siyang kinalaman sa pagpanaw ni Tantoco.

Pawang kasinungalinan lamang na ginagamit upang magdulot ng galit at pagkalito. Hindi ito isang random na tsismis. Ito ay isang direktang pag-atake, na sinadya upang sirain ang kanyang reputasyon.

Ito ay hindi lamang tungkol sa pulitika. Ito ay tungkol sa pangunahing pagiging disente ng tao. Kung hahayaan nating magpatuloy ang ganitong uri ng panlilinlang, nagtatakda tayo ng isang mapanganib na paraan na maaring pamarisan.

May mga batas na nakatakda upang harapin ang ganitong uri ng malisyosong pag-uugali, at dapat nating gamitin ang mga ito: Cyber Libel (RA 10175) para panagutin ang mga tao sa online na paninirang-puri.

Labag sa Falsification of Public Documents (Article 171 Revised Penal Code) dahil ang paggawa ng mga pekeng ulat upang makapinsala sa iba ay isang malubhang pagkakasala. Safe Spaces Act (RA 11313) na nagpoprotekta sa kababaihan, kabilang ang mga naglilingkod sa bayan mula sa panliligalig batay sa kasarian.

Makakatulong ang International Cooperation na kinasasangkutan ng mga ahensya tulad ng Beverly Hills Police Department at Embahada ng Estados Unidos na masubaybayan kung sino ang gumawa at nagkalat ng pekeng blotter.

 

Share.