Nakapasok ang Philippine women’s national football team na kilala bilang “Filipinas” sa 2026 AFC Women’s Asian Cup.
Ito ay matapos nilang talunin ang Hong Kong, 1-0, sa huling laban ng Group G qualifiers sa National Olympic Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.
Nakumpleto rin nila ang pagkapanalo laban sa Group G ng qualifiers nang talunin ang Saudi Arabia (3-0) at Cambodia (6-0) sa mga naunang laro.
Sa ilalim ng pamumuno ni Coach Mark Torcaso, tinapos ng Filipinas ang qualifying round na may malinis na rekord na 9 points at +10 goal difference para matiyak na makakalaro sa prestihiyosong torneo sa Asya.