Nakaranas ng malawakang aberya ang Facebook at Instagram nang mag-ulat ang mga user sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ng problema sa pag-access sa mga platform nitong Biyernes.
Kabilang sa mga bansang naapektuhan ang Pilipinas, Singapore, India, Australia, Canada, at Estados Unidos.
Sa Pilipinas at iba pang lugar, iniulat ng mga user ang biglaang paglabas ng error messages, hindi pag-load ng feeds, problema sa pag-login, at pansamantalang pagkawala ng access sa Facebook app, website, at Messenger.
Batay sa outage tracking platforms, nagsimulang dumami ang reports 9: ng gabi sa Singapore. Bagama’t ilang serbisyo ng Meta ang nanatiling gumagana, wala pang detalyadong paliwanag ang kumpanya kaugnay ng sanhi ng outage. Kasunod ito ng mga naunang global disruptions na tumama rin sa Facebook at Instagram nitong mga nakaraang buwan.
