Nagbabala ang isang executive assistant sa publiko nang madroga o lagyan ng ‘drugs’ ang kanyang inumin at manawakan habang nasa Binondo, Maynila.
Sa isang LinkedIn post ng biktimang si Serene Li, ibinahagi niyang ang kanyang biglaang pagkahilo, pagsusuka, at pagkawala ng alaala nang uminom ng fruit juice sa Chinatown, Manila.
Dinala naman si Li sa St. Luke’s Medical Center kung saan lumabas sa clinical assessment na posibleng nalason siya ng benzodiazepine o barbiturate, kahit negatibo ang toxicology screening.
Ayon kay Li, habang incapacitated siya, nakapagtala ng 16 ATM withdrawals mula sa kanyang account.
Tinatayang umabot sa $4,000 SGD o katumbas ng higit P188,000 ang nawalang pera, bukod pa sa cash na kinuha mula sa kanyang wallet, nguni’t wala umano siyang maalala sa mga pangyayari.
Naging hamon naman umano kay Li ang pagre-report sa insidente. Aniya, “When I tried to report it, I ran into another obstacle: “jurisdiction” was used to delay action rather than take it.”
“Reporting at central police HQ led to warnings of days of delays, with officers redirecting responsibility rather than helping. My advice: document everything yourself and escalate in parallel. Don’t wait on any single authority,” dagdag pa niya.
Nagbigay naman si Li ng mga paalala sa publiko, kabilang ang hindi pagtanggap ng pagkain o inumin mula sa estranghero, pag-activate ng transaction alerts sa mga bank account, at pagtiyak na may kasamang pinagkakatiwalaang tao sa paglabas.
“This is not a story about being careless. This is a story about a sophisticated crime that can target anyone. Stay safe out there,” giit pa niya.
Trending
- Target ng NU men ang six-peat
- Albert delos Santos nakamit ang ginto sa IWF Worlds
- Lovi Poe pasabog sa Hollywood
- Kim Chiu panalo pang-aakit kay Epy Quizon
- Joshua Garcia nag-hello ang pubic hair?
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation sa 11-anyos
- Mayon patuloy sa pagbuga ng lava
