Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang full pardon at pagpapalaya kay dating Myanmar President U Win Myint.
Si Win Myint ay pinalaya kasama ang 4,514 prisoners na nabigyan ng amnestiya.
Sila ay pinalaya kasabay ng traditional New Year ng Myanmar na tinatawag na Thingyan.
Ayon sa DFA, ang pagpapalaya kay Win Myint ay magandang development para sa kapayapaan ng nasabing bansa.
Bukod sa pagpapalaya kay Win Myint, binawasan din ng one-sixth ang 27 taong sentensya sa kaalyado nitong si Aung San Suu Kyi.
Iginiit din ng DFA ang kahalagahan ng pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi at iba pang natitirang political prisoners, partikular ang mga nakatatanda.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga
