Binaliktad ng Korte Suprema ang hatol ng pagkakakulong kay dating Unang Ginang Imelda Marcos kaugnay ng mga kasong graft hinggil sa umano’y pinansyal na interes niya sa pitong Swiss foundations.

Sa desisyong may petsang Hunyo 10, 2026 ngunit isinapubliko nitong Miyerkules, Setyembre 9, ibinasura ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan noong Nobyembre 2018 na nagdeklara kay Marcos na guilty sa pitong bilang ng graft at hinatulan ng anim hanggang labing-isang taon na pagkakakulong sa bawat bilang.

Ayon sa Korte Suprema, nabigo ang prosekusyon na patunayan ang kanyang pagkakasala nang lampas sa makatwirang pagdududa.

Inakusahan si Marcos na may pinansyal na interes at pakikilahok sa pamamahala ng ilang non-government organizations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984, sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Ministro ng Human Settlements, Gobernador ng Metro Manila, at pansamantalang miyembro ng Batasang Pambansa.

Share.
Exit mobile version